Panakip-butas (2005)

Tanghaling tapat pa lamang
At mainit ang sikat ng araw
Ngunit ako’y giniginaw na
Sa lamig ng iyong pakikitungo.

Dahan-dahang naglalapit
Ang ating mga matang magkatitig
Habang unti-unting naglalayo
Ang ating mga damdamin.
Ibinubuka mo pa lamang ang iyong bibig
Upang magpaliwanag
Ay naririnig ko na
Ang iyong mga kasinungalingan.

Lumuluha akong pinalayas ka sa aking harapan
Habang ika’y tila natutuwa pa sa paglabas sa pintuan.

Pumikit na lamang ako
At nagpatuloy sa pag-iyak
Kasabay ng pagmulat ko
Sa katotohanang
Ako’y panakip-butas lamang…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s