HAYOP!

nung friday morning habang nagtutooth brush ako, bigla ko naisip ito: ANO KAYANG NAFIFEEL NG MGA HAYOP PAG INAASSOCIATE SILA SA MGA NEGATIVE BEHAVIORS?

hahahahaha! oo, naisip ko yan habang nagsisipilyo..

isipin mo na lang pag masama ang ugali ng isang tao sinasabihan siya ng hayop ka! or animal ka!

o kaya naman pag mang-aagaw ka, sasabihin ahas ka! inisip ko tuloy sa tunay na buhay ba nang-aagaw ang mga ahas? ano inaagaw nila? sino inaagawan nila?

pag buwaya, either bakaw sa basketball (haha! yun talaga naisip kong una) o basta nanlalamang ka.. meron ding phrase sa english na crocodile tears, yung pag di sincere yung pag-iyak mo, arte-artehan lang… ganun ba ang mga crocodile?

o kaya naman pag may parang kalokohan mga i smell something fishy o kaya naman monkey business

madami pa. baka di na ako makagawa ng report pag nilagay ko lahat dito. haha!

baboy pag makalat, masiba, malaswa, etc.

chicken-hearted pag duwag.

kambing pag tamad maligo.

kiti-kiti pag malikot.

i’m sure marami pa akong di nailagay.

tapos pag alamat din, negative din pag sa hayop. usually yung alamat ng mga hayop, mga isinumpa or pinarusahan sila kaya sila naging ganun.. di ba ang nega!?! hahaha!

hay. tama na nga. kawawa naman ang mga hayop. negative talaga ang perception sa kanilang behavior…

haha. parang pang adik na thoughts lang.. super random thoughts.. back to acad mode..

Advertisements

stiletto

hindi naman ako yung tipo ng taong interesado sa mga stiletto. pero kasi kanina may nangyari na nagbunsod sa akin na magblog tungkol dito.

kaninang umaga, nag-aantay ako ng bus papuntang pasay. at dahil tanghali na, nang may dumaan na bus, sumakay na ako kahit alam kong wala nang upuan at tatayo na ako. okay lang naman. sanay na naman ako kasi palagi naman ako tanghali pumapasok.. haha!

so sumakay na ako. nakatayo ako nang mapayapa nang biglang may sumakay na office girl (oo na mapagkahon na ako, mukha naman kasi talaga siyang office girl. hahaha!) at siya ay nakasuot ng shoes na may stiletto heels.

tapos biglang pumreno ang bus. at dahil si ateh na nakastiletto ay walang konsepto ng pagkapit ay na out of balance siya.. at sa kanyang pagregain ng stance ay naapakan niya ang paa ko!!!

dahil sa sobrang sakit, napasigaw ako. medyo eskandalo pero ansakit kasi talaga at nagulat din ako. pag tingin ko sa paa ko, natiklap yung transparent na balat ko dun sa part na naapakan niya at may konting dugo kasi may maliit na sugat. naawa yata sa kin yung isang lalaki kaya tumayo siya at pinaupo ako. nilagyan ko agad ng alcohol yung sugat. ang hapdi! huhu! nang makarating na ako sa UP, saka ko pa lang natingnan closely ang aking sugat. hindi na naman siya masyado masakit.

pero pag-uwi ko sa bahay, habang kumakain ako napansin ko na namamaga na ang paa ko.. huhuhu! kaya ngayon, may ice na nakapatong sa paa ko habang ginagawa ko ang blog na ito.

sana naman yung mga taong nagsusuot ng mga footwear na may stiletto heels ay mag-ingat naman. sana kung magcocommute pala, wag na magstiletto. bumili muna kayo ng sarili niyong sasakyan. hahaha!!! joke! mag-ingat lang kasi sa public transportation ay malaki talaga ang chance na magkatapakan.

ayun! nabuwisit lang talaga ako sa kanya kasi hindi man lang siya nagsorry…

from a physicist’s point of view…

first of all, I would like to say that I’m not claiming to be a physicist. naisip ko lang na yun ang title kasi this post will include some concepts from my favorite subject, physics… haha! sarcastic yun ha.

these past few days, I was forced to be a “physics major”. kailangan magrefresh: kinematics, forces, work, energy, power.. hanggang sa mga kumplikadong topics like relativity. nakakasira ng ulo! nag give up ang brain cells ko.. haha!

sa sobrang pag internalize ko ng mga topics sa physics, nadamay pa siya sa past time ko: ang mag isip ng analogies about sa iba’t ibang aspeto ng buhay…

I remember from “Florante at Laura” that there was a line there that says na kapag mas mataas ang lipad mo ay mas masakit ang pagbagsak. totoo nga naman to. recall free falling bodies, gravity and the formula
[d = vt + gt^2] where d = distance from the surface of the earth or kung gaano kataas ang “lipad” mo; t = the time that you would hit the ground; and v = is your initial velocity which can be zero if the object is dropped from rest. so pag bitiw mo, velocity will constantly increase by the same amount, which is equal to 9.8 meters every second (g = gravity = 9.8 m/s^2).. so that means mas mataas ang lipad mo, longer time for you to reach the ground. at sa bawat segundo bumibilis ang iyong pagbagsak ng 9.8 meters.. your velocity at t=0 is 0 m/s. t=1 is 9.8 m/s. t=2 is 19.6 m/s. t=3 is 29.4 m/s. t=4 is 39.2 m/s and so on… so imagine kung ano nang velocity when you hit the ground if it would take you a minute to fall… at using the formula [p = mv] to compute for your momentum as you hit the ground, siguradong mataas din yun kung mataas ang velocity mo dahil directly proportional sila… pag mas mataas ang momentum, mataas din ang force na ieexert sa iyo ng ground as you hit it… that means mas masakit…

ang dami kong sinabi… haha! wala lang.. gusto ko lang irelate ang literature at ang physics.. from florante at laura to free falling bodies. at pwede din yan irelate sa arew-araw na pakikiharap sa buhay. pag mas gusto mo ang isang bagay, mas masakit pag di mo yun nakuha or nawala siya sa yo… kung gaano ka nya napapasaya kapag magkasama kayo, ganun din kalungkot pag di na kayo nagkikita… kung gaano mo siya kamahal, ganun din kasakit pag iniwan ka nya…

nakakatakot maging sobrang masaya… baka pag nawala sa kin yung source of happiness ko na yun, hindi ko kayanin… kung para sa iba ang buhay ay black and white, I prefer to stay sa grey area… kung di ko man maranasang maging masaya, at least di na ako masasaktan pa… haha! ang drama!

sa mga nadepress sa pagbabasa nito, sorry na lang… wag kayong mag-alala, kung di man kayo pinapansin ng “crush” niyo or iniwan kayo, don’t lose hope.. somehow attracted din siya sa iyo.. believe me.. sabi nga ng mga scientists, lahat ng bodies sa universe ay attracted to each other. haha! parang yung sun, mga planets at ang mga satellites nila.. kahit gaano sila kalayo sa isa’t isa, they still have an attraction to each other.. let’s just hope na ang orbits nyo ng “crush” mo would someday intersect, and eventually you’ll bump into each other…

hahahaha…… ^_^