Gaano Kamahal ni Marcos si Imelda?

Last Friday night, nagyaya si Kuya na pumunta sa KKK Café sa Maginhawa. Magpeperform daw kasi ang Words Anonymous at may open mic. Pagdating namin sa café, sobrang dami ng tao. At dahil wala din naman kami maintindihan sa mga performances, naglakad-lakad na lang kami sa Maginhawa at kumain at nagkape somewhere else. Pero bumalik din kami dahil andun pa yung mga officemates ni Kuya. Pagbalik namin, nabawasan na ang mga tao. Nakapwesto na at nakapakinig. Karamihan ay pag-ibig ang topic, kadalasan bitter ang tone. Pero sa lahat ng napakinggan ko that night, yung Minamahal Kong Imelda, written and performed by RJ Carbonell, ang pinaka nagustuhan ko. Tungkol pa rin sa pag-ibig pero kaya ko ito nagustuhan dahil sa political commentary. Sa tulang ito malalaman niyo kung gaano kamahal ni Marcos si Imelda. Handa syang gawin ang lahat, masunod lamang ang mga nais ng kanyang sinta. Hindi ko alam kung gaano katotoo ang mga binanggit sa tula pero naririnig ko na rin dati ang karamihan sa mga nabanggit na pagkakataon.

Here is a copy of RJ Carbonell’s piece. Pero mas maganda pa rin talaga siya pag marinig niyong binibigkas niya.

Minamahal Kong Imelda
by RJ Carbonell

Nagtipon ang daan-daang libong Pilipino sa Epifanio
Upang ako’y patumbahin
Kinikilala akong malaking klepto
Nasa Forbes ako bilang isa sa pinakakurakot na pinuno
Nasa historya ako bilang walang-pakisamang repressive
Pinatahimik ko ang Channel 2 ng isa’t-kalahating dekada
Kinamumuhian ako ng Mga Nagkakaisang Bansa
Sa paggulpi at pagkuryente, ako daw ay vindictive
Pero may isang kasalanan pa kung saan ako’y naakusahan
Mel, inibig kita ng nakamamatay na labis
Literal na nakamamatay
Literal na libu-libong katao lang naman.

Nung una kitang nakilala, niyaya kitang magpakasal
Nagtaka ka kung pa’no yun naging posible
Sinabi ko na simula pagkabata, meron na kong pinangarap na babae
Parati ko itong inuukit sa papel na makapal
May mga dumaang babae, at sa guhit, ‘di sila tumugma
At nung dumating ka, perpekto kang umakma
Kaya Rosas ng Tacloban, nung natanaw kita sa Kongreso nung 1953
Hindi yun pag-ibig sa unang pagkikita
Dahil inibig na kita buong buhay ko
At dahil malapit na ring mag-eleksyon nun.

Alam mo, aking aserong paru-paro
Para kang yung dineklara kong Batas Militar ng 1972
Pinapatahimik mo ang naguguluhan kong puso
Parang Bataan Nuclear Power Plant ang pag-ibig kong wagas
Delikado, pero tama lang na ipagpatuloy
Parang 12am curfew ang maalindog mong katawan
Napapauwi ako ng maaga kapag gabi
Para kang Desaparecidos!
Sa pagkadesperado sayo, naglaho ang aking espiritu’t pagkataong makasarili!
Para kang pagpatay ng walang paglilitis!
Nadamay ang pagkainosente ko sa panay mong pagsaksak sakin.

OA na masyado yung pick-up ko.
Ayos lang, ganun ka rin naman manghingi ng pera’t luho.

Lahat para sayo aking binigay.
Talo mo pa si Queen Elizabeth II.
Nangangati ang paa mo, inday?
Eto, gintong sapatos
Tinanggihan ka ng pinakasikat na banda sa buong mundo?
Kuyugin natin yang mga yan sa airport ng magkagalos.
Naiinsecure ka na ‘di ka napapansin ng media?
Unang pahina bukas, “Imelda, nanguna sa pinakamagandang babae survey.”
May nang-away sayong kumareng asawa ng may-ari ng kumpanya?
Wala ng lupa yan bukas.

Lahat para sayo, aking ginawa
Kasi alam kong lumaki ka sa garahe
Habang ika’y naiinggit sa mga kinakapatid mong maririwasa
Lumikha ako ng bogus na kahariang konseho
Nagtirik ako ng isang palsipikadong bundok
Kung saan ikaw ang madayang reyna ng estado
Niyari ko para sayo lahat ng kadiyablohang despotismo
Habang ang sarap-sarap ng buhay mo
Pagod na pagod na ko sayong koleksyon ng credit card na swapang at walang modo
Pero syempre ‘di ikaw yung tinutukoy ko.

O aking rosas, mukha kang ginto.
Bukambibig, bukang-isip mo, ginto, ginto, ginto
Kumikinang na ginto.
May nadiskubre lang minahan sa Baguio
Umalingawgngaw sa tenga mo, “Ching ching ginto”.
‘Di pwedeng gamitin yung figurative na termino.
Dahil isa kang literal na gold-digger.

Isa kang diplomatikong social climber
Buwisit na buwisit yung estadong sangay ng Amerika
Isa ka daw puslit na gatecrasher
‘Di ka naman inimbita sa pakain ni Carter sa White House
Bigla ka na lang sumipot.
Nakakasuya sa rehimeng powerhouse
Napagkamalan ka ni Ginang Carter na kung sino lang isang beses
Na tinanong niya sa asawa ang nakakahiyang usisang
“Why’s the Asian woman not cleaning up the mess?”

Naalala mo yung Manila Film Center na iyong pinagawa
Pinayagan ko yun.
Sapagkat magiliw ka sa sining
Kaya lang minadali mo yung sistema
Yung deadline, ang strikto
Natibag yung scaffolding
Nahulog yung 169 katao sa semento
Dun na sila nalibing kamo.
Sinugo ko yung manta ng security
‘Di muna ko nagpapasok ng mga magsasagip
Kinabukasan, ‘di nabalita sa radyo, dyaryo, o telebisyon.
Balita: “Imelda, bumili ng bagong painting na realist.”

Nakapirmi lang ng isang dekada ang imperyo
Kaya lang biglang napatay yung dilaw na nakamalaking salamin
Ikaw ba may pakulo?
Maniwala ka, gusto ko na rin siyang ligpitin
Pero napakabobong galaw
Nakatutok ang buong mundo, satin
Nung tumulo na sa rampa yung dugo sa kanyang bungo
Tinakwil na tayo ng mga bansa
Ang mga kapitalista, lumayo
Naubusan tayo ng pondo
‘Di ka na pwede magsun-bathing sa Jamaica
Kung saan ikaw lang tao sa dagat ng isang linggo

‘Di kita sinisisi, sinta.
Pwede kasing si Fabian, si Cojuangco, o ikaw.
‘Di ko sinabing tanga ka
Wag ka umalis
Dito ka lang.
Wag mo ko iwan, sa nipis.
Alam kong mas lalo kong nangangayat, pumangit
Dahil sa transplant
Upo ka lang dito sa tabi ng kama, lapit
Baka ‘di ko na kayanin bukas
Nananakit na baga ko

Ganto, Mely
May kapit pa ko sa Kanong senador
Kuha tayo ng pantulong na salapi
Alam mo, may liposuction daw na tinatawag
Pang-alis taba
Mahal, pero makakaya natin ‘pag nakaluwag
‘Di ka na maaasar na taba ng mga Cojuangco.
Basta dito ka lang
Wag ka aalis dito.

Wag kang mag-alala
Magiging reyna ka ulit
Kaya lang matagal-tagal
Malakas pa si Junior sa masa
Tinangkilik siyang gobernador
At mabilis makalimot ang tao
Kongreso muna siya
Ta’s senador
Ta’s ‘pag kampante na, bise-presidente ng administrasyon
‘Pag sinuwerte, presidente
Wag ka lang sanang malagay sa Department of Finance

Kasi kung marating niya muli ang pinakamataas na posisyon sa ating lupa
May isa akong pakiusap, Mel.
“Puta ng diktador, maawa ka.
Wag ka ng makisawsaw sa kanyang pamamahala”.

Advertisements

I Do Not Love You

Pablo Neruda had me at Tonight, I Can Write (the Saddest Lines). I consider it as one of my all time favorite literary pieces. Reading it is like seeing my thoughts put into words (and immortalized) by a great poet. I even studied basic Portuguese so I can appreciate Neruda’s poems untranslated.

Tonight, as I browse through my Facebook newsfeed, I saw a post by one of my favorite theater actors: an excerpt from another Neruda composition, Sonnet XVII (commonly known as I Do Not Love You). It instantly became a favorite, too. These are my favorite lines:

image

An excerpt from Pablo Neruda's Sonnet XVII

I’m starting to think that Pablo Neruda stole my present thoughts (and feelings) when he wrote these lines years ago. Haha! :p

Kandila (2011)

Ikaw ang dilim
Na hudyat ng aking pagningas.
Ngunit kasabay ng pagliwanag ko’y ang init
Na sa aki’y unti-unting umaagnas…

Ang tula kong ito ay nailathala sa Gunita, ang literary folio ng Portia Sorority para sa taong 2015. Maaari niyong makita online ang tulang ito (kasama ang iba pang piling mga larawan, tula at maikling kwento na isinubmit) sa online version ng Gunita.

Panakip-butas (2005)

Tanghaling tapat pa lamang
At mainit ang sikat ng araw
Ngunit ako’y giniginaw na
Sa lamig ng iyong pakikitungo.

Dahan-dahang naglalapit
Ang ating mga matang magkatitig
Habang unti-unting naglalayo
Ang ating mga damdamin.
Ibinubuka mo pa lamang ang iyong bibig
Upang magpaliwanag
Ay naririnig ko na
Ang iyong mga kasinungalingan.

Lumuluha akong pinalayas ka sa aking harapan
Habang ika’y tila natutuwa pa sa paglabas sa pintuan.

Pumikit na lamang ako
At nagpatuloy sa pag-iyak
Kasabay ng pagmulat ko
Sa katotohanang
Ako’y panakip-butas lamang…

CANVAS Exhibitions at Vargas Museum

image

My favorite artwork in the exhibit at the 1st floor gallery. Artwork not yet labelled but the name Vinluan is signed at the corner.

Kanina bigla kong naisipan na pumasyal sa Vargas Museum kaya niyaya ko sina Wik at Majih. Pumunta kami sa museum after lunch. Pagdating namin dun, sineset up pa lang ang exhibits sa 1st at 3rd floors. Sa 2nd floor muna kami pinadiretso kung nasaan ang collection ng mga classic works nina Juan Luna, Fernando Amorsolo, Felix Resureccion Hidalgo at marami pang iba. Bawal nga lang mag picture sa area na ito. After namin usisain ang bawat artwork sa 2nd floor ay nabitin pa rin kami. Pinayagan naman na kami na mag-ikot sa 1st floor.

The exhibits being set up are part of the CANVAS exhibitions:  The Next Chapter (at the 1st floor gallery) and Only in the Philippines (at the 3rd floor gallery). The picture posted above is our favorite. I also took pictures of the other artworks that I liked.

image

image

image

image

image

image

image

Yung ibang artworks hindi pa naisasabit sa wall. Nagpipintura pa din sila ng mga panels at may mga artwork pa ata na hindi pa nailalabas.

image

image

The exhibit on the 3rd floor looks interesting, too. But we are not allowed to go there. Balik na lang daw kami bukas.

Kung gusto niyo rin makita ang mga artworks na ito, the CANVAS exhibits will formally open to the public tomorrow, July 10, at 4pm. Hindi ko lang sure kung until when ang exhibits pero usually they last for a month.

Vargas Museum is open from Tuesday to Saturday, 9:00 am to 5:00 pm. Entrance fee is Php 30. For UP Students with IDs, free entrance on Wednesdays and only Php 20 entrance fee for the rest of the week. Like the UP Vargas Museum Facebook Page for more information and updates 🙂

Virgin Labfest XI: Sariwa nga ba?

Virgin Labfest’s theme for its 11th year is SARIWA. Bagay na bagay since ang ipinapalabas naman sa festival na ito ay mga dula na untried, untested at unstaged. Pero ang tanong ay sariwa nga ba ang bawat isa sa 12 dulang napanood ko nung nakaraang linggo?

So far, wala pa naman akong napanood na pagtatanghal sa VLF na hindi magaling ang mga artista at hindi maayos ang set design. Kaya kadalasan, yung kuwento at kung paano ikinuwento ang ginagawa kong basehan kung ano ang tatlong dulang gusto kong mapanood ulit sa susunod na taon sa Revisited category.

Ang HINTAYAN NG LANGIT ni Juan Miguel Severo ang pinakagusto ko ngayong taon. Nagbago na ang pananaw ko sa cliché line na “til death do us part”. Kakaibang kwento ng tunay na pag-ibig at pagtupad sa mga pangako. Nakatulong din siguro ang sobrang gandang chemistry on stage ng real-life couple na sina Edna Vida Froilan (bilang Lisang) at Nonoy Froilan (bilang Manolo) sa kilig factor. At syempre, kaya malakas ang impact nito sa kin (at siguro sa karamihan) ay dahil sa mga hugot lines.

Hindi man gaanong bago ang unrequited love na storyline ng SI MARIA ISABELLA AT ANG GURYON NG MGA TALA ni Eljay Castro Deldoc ay maganda naman ang production. Ang dami nilang ginamit na techniques like puppetry, shadow play at yung may rewind pa (haha! di ko alam tawag dun?) na bihira ko lang makita sa VLF productions. Ito ang runner-up this year para sa kin. Mararamdaman mo talaga yung sobrang effort ng dalawang bida para sa pag-ibig nilang di naman nasuklian. Si boy na-friendzone samantalang si girl di man lamang yata na-seenzone. Ang saklap.

Ang AN EXPECTED naman ni Alvin Molina ang ikatlong dula na gusto kong mapasama sa Revisited category next year. Tungkol ito sa isang lalaking may boyfriend na bigla na lamang nagkaroon ng pagdududa sa kanyang mga choices sa buhay. Buti na lamang at very understanding ang kanyang partner at may isang fairy na namimigay ng libreng wish. Nagkaroon siya ng chance na malaman ang sagot sa kanyang mga what ifs. Hindi man bago ang homosexual love story sa VLF pero ang dulang ito ay nagbigay ng bagong perspective sa same sex relationship. May motto kasi ako in life: Sa pag-ibig, walang kasarian. Minamahal mo ang tao sa kung sino siya, hindi kung babae o lalaki siya. Ngayon dahil sa play na ito, napaisip ako at lalong naguluhan. Parte kasi talaga ng pagkatao ang kasarian.

Tumukoy man ako ng tatlong dulang pinakanagustuhan ko ay di ko rin naman masasabing hindi na maganda ang siyam pang ibang dula.

Ang DALAWANG GABI ni Maynard Manansala na isang wrong timing na love story ng isang teacher at ng kanyang former student ay nakakatawa at masakit at the same time. Ang twist naman sa UOD, BUTETE AT SI MYRNA ni Layeta Bucoy ay nagustuhan ko. Kaya lang parang masyadong maaga ko ata nahulaan ang mangyayari kay Myrna, isang laos na prostitute na sinusuyo ng duwag na si Uod na handa siyang ipagtanggol sa hoodlum na si Butete. Very entertaining din ang mga paggiling at pagkanta ng mga macho dancers sa kauna-unahang musical entry sa VLF na MACHO DANCER A MUSICAL ni Nicolas Pichay. Medyo nakulangan lang ako sa lalim ng story at parang di na bago para sa akin. Hindi na rin bago ang kwento ng BIRTWAL ni Jose Garcia na tungkol sa expectations and disappointments ng virtual lovers na first time magkikita after 9 months of being in a relationship. Di man bago ang kwento pero bago ang technique dahil halos walang dialogue ang mga artista. Text messages lang na ikaw na ang bahala maglagay ng tone based sa body language ng mga artista.

Pareho namang awkward para sa kin ang KUBLIHAN ni Jerome Ignacio at ANG NANAY KONG EX-NPA nina Genevieve Asenjo at Em Mendez. Jerome Ignacio’s KUBLIHAN is a story of friendship and growing up. Parang rollercoaster ride ang eksena ng dalawang highschool boys na masayang inaalala ang kanilang mga nakaraan at tila iniiwasan namang pag-usapan ang kanilang mga kasalukuyang sitwasyon at ang nalalapit nilang paghihiwalay ng landas habang nanonood ng eclipse. Reunited naman ang nanay na ex-NPA at ang anak niyang iniwan sa pangangalaga ng iba para ilayo sa gulo ng pakikibaka sa kabundukan. Na-awkwardan ako sa mga palabas na ito pero sa tingin ko ay yun naman ang gustong iparamdam sa kin ng dalawang dula.

Pareho namang tila poverty porn para sa kin ang HULING HULI ni Herlyn Gail Alegre (kwento ng mga babaeng nagbebenta ng aliw sa mga pagod na mangingisda kapalit ng kanilang huli) at ang TALO ANG WALANG ALAM (kwento ng katusuan sa pagitan ng isang buntis na palaboy, ang bayaw niyang adik, ang corrupted na pulis at isang kaawa-awang biktima ng snatching) ni Jose Mari Sanchez. Mas nagustuhan ko ang ending ni Sanchez dahil di ko yun inasahan. Akala ko kasi happy ending para sa lahat. Medyo nainip lang ako sa ending ng kay Alegre. Para sa kin masyado nang stretched ang kwento. Parang nabitin naman ako sa kwento ng time travelling lovers sa WHEN SAM MET JO ni Job Pagsibigan. Entertaining pero parang may kulang.

Sa kabuuan, masasabi ko naman na ang bawat palabas ay sariwa naman sa kanilang sariling paraan: sariwang kwento, sariwang pananaw, sariwang pagtalakay sa lumang idea. Ipinahayag ko lamang ang aking opinion sa bawat dula. Maaring parehas o magkaiba tayo ng pananaw sa bawat isa. Sabi nga, to each his own. Iba’t iba ang mga karanasan at pananaw natin sa buhay kaya iba-iba ang ating mga preferences. Ang mahalaga, ang bawat palabas na napanood ko, nagustuhan ko man o hindi, ay mayroong naipahatid sa kin na mensahe.

Para malaman niyo kung agree ba kayo o hindi sa aking mga opinion, panoorin niyo rin ang mga dulang ito. Ang huling linggo ng Virgin Labfest ay nagsimula kahapon (July 8) at matatapos sa Linggo (July 12). May pagkakataon ka pang mapanood ang 12 bagong dula kasama ang 3 piling dula mula sa nakaraang taon. For more information, check their FB page: The Virgin Labfest.

image

(Photos all grabbed from The Virgin Labfest Facebook page)

Virgin Labfest

Virgin Labfest: a festival of untried, untested and unstaged plays held yearly since 2005. usually, mga one-act plays ang pinapalabas dito pero may full-length din paminsan-minsan. nagsimula akong manood nung 5th season (2009). siguro sobrang naenjoy ko ang mga napanood ko noon kaya naman 6 straight years na akong sumusuporta. ang mga naging all-time favorites ko (yes! all-time talaga! haha!) ay mga sumusunod:

  • Doc Resurrecion: Gagamutin ang Bayan, by Layeta P. Bucoy (season 5)
  • Isang Araw sa Karnabal, by Nicolas B. Pichay (season 5)
  • Suor Clara, by Floy C. Quintos (season 6)
  • Kafatiran, by Dingdong Novenario (season 7)
  • Totong Hilot, by J. Dennis C. Teodosio (season 8)
  • Imbisibol, by Herlyn Alegre (season 9)
  • Betang, by Joanna Katanyag (season 10)

iba’t iba ang genre ng mga plays sa labfest: comedy, drama, kantahan, aksyon, romance, etc. so kahit ano pa ang hilig mo, I’m sure may magfifit sa taste mo. natutuwa din ako na sa maikling oras (pag one-act) at maliit na entablado ay nakapaghahatid sila ng solid na palabas. at magagaling din ang mga artista! sobrang ganda din niyang avenue para sa mga writers dahil (I think) kahit sino ay pwedeng magpasa ng mga obra nila dito. salamat sa mga nakaisip na mag organize at sa mga nagpapatuloy ng ganitong klaseng festival (hi Sir Rody Vera and Sir Tuxqs Rutaquio!). sa katunayan, isa sa mga pangarap ko ang makapagsulat ng isang play na maitatanghal dito. haha! sana matupad ko…

in the meantime, habang wala pa akong nasusulat, hanggang panood-nood lang muna ako. sa papalapit na 11th season nila, full support pa rin ako. nakabili na nga ako ng festival pass!!! sa mga interesado ding manood, may details about this year’s VLF sa picture below. bili na ng tickets/pass ASAP dahil mukhang pa-sold out na! see you! 🙂

image

my 2014 book challenge

finished 25 books this year! medyo mabagal pa din ako magbasa.. or kaunting oras lang ang nadedevote ko sa pagbabasa. sana sa 2015 mameet ko yung goal kong 30 books. may suggestion ba kayo kung anong magandang basahin? 🙂

  1. Les Miserables – Victor Hugo
  2. Wicked – Gregory Maguire
  3. In Sisterhood – Lea at Lualhati – Lualhati Bautista
  4. At Risk – Patricia Cornwell
  5. Can You Keep a Secret? – Sophie Kinsella
  6. Rizal Without the Overcoat – Ambeth R. Ocampo
  7. The Picture of Dorian Gray – Oscar Wilde
  8. A Thousand Splendid Suns – Khaled Hosseini
  9. The World’s Greatest Proposals: 75 Stories of Love, Creativity and Spontaneity – Fred Cuellar
  10. A Storm of Swords – George R. R. Martin
  11. The Wind in the Willows – Kenneth Grahame
  12. The Wonderful Story of Henry Sugar and Six More – Roald Dahl
  13. Griffin and Sabine – Nick Bantock
  14. Skin and Other Stories – Roald Dahl
  15. The Fault in Our Stars – John Green
  16. Last Order sa Penguin – Chris Martinez
  17. Welcome to Dead House (Goosebumps #1) – R. L. Stine
  18. The Winner Stands Alone – Paulo Coelho
  19. The Hunger Games – Suzanne Collins
  20. The Book of Lost Things – John Connolly
  21. Ermita – F. Sionil Jose
  22. Wagas and Other Tales, Talks, and Takes on Love – Bernardo N. Caslib, Jr. and Liway Czarina S. Ruizo (editors)
  23. Dead Stars – Paz Marquez Benitez
  24. Little Indulgences: More than 400 Ways to be Good to Yourself – Cynthia MacGregor
  25. The Arabian Nights: Tales from a Thousand and One Nights  – Anonymous

my 2013 book challenge

noong 2012, i challenged myself to read at least 1 book per month. lfor 2013 naman, 1.5 books per month or at least 18 books within the year. nagawa ko naman ang challenge, though may mga sobrang manipis lang. bawi din naman siguro sa mga sobrang makapal. haha! yung Les Miserables hindi ko natapos. sa 2014, 2 books per month na dapat! kaya ko kaya!?! maraming salamat sa mga nagpahiram (Ma’am Lorie, Meme, Daisy, Romeo & Daniella), nagbigay (Ma’am Lillian, Meme), nagbenta (Ate Ceejay) ng mga books at sa mga nagsend ng ebooks (Chuckie, Wik, Carlo).

1. Lovestruck (Singles Edition) – Ronald Molmissa

2. The Phantom of the Opera – Gaston Leroux

3. Knit One, Kill Two – Maggie Sefton

4. The Filipino Heroes League: Sticks and Stones – Paolo Fabregas

5. The Best American Mystery Stories – Joyce Carol Oates (editor)

6. Fifty Shades Freed – E. L. James

7. The Giving Tree – Shel Silverstein

8. The More the Manyer! Pinoy Cliches and Other Words of Wisdumb – Elbert Or

9. Without Further Adieu: More Pinoy Cliches and Other Words of Wisdumb – Elbert Or

10. I Am Herewith Enclose and Other Bad-for-Business Pinoy Cliches – Elbert Or

11. Everything’s Eventual: 14 Dark Tales – Stephen King

12. Lucky Accident – Fay Ramsay

13. Gabriel’s Inferno – Sylvain Reynard

14. The Hobbit – J. R. R. Tolkien

15. Dolores Claiborne – Stephen King

16. The Missing Piece – Shel Silversten

17. A Game of Thrones – George R. R. Martin

18. Gerald’s Game – Stephen King

19. Ang Paboritong Libro ni Hudas – Bob Ong

20. To Kill a Mockingbird – Harper Lee

21. A Clash of Kings – George R. R. Martin

Leave Zach Alone by Javierose Ramirez

Dear Lisa,

Back off. Get your hands off Zach.

Sure he walks you home every day and he is always around you but being around is different from wanting to be with you. I will admit, he might enjoy your company but enjoying someone’s company is different from someone making you happy. Talking with you does not always mean that he wants to get to know you.

Wake up, you have been daydreaming far too long now.

You are probably one of those girls. You imagine a boy coming into your life and he will sweep you off your feet and you will finally understand that thing called love. You have dreamed and prepared for this – like some Disney princess fixing her castle, you want every detail perfect so that when your knight in shining armour comes, the picture will be complete and it would feel amazing. It’s like a beautiful painting, waiting to be complete so that when it finally is, the world will marvel at it. Everyone will envy you for you have someone who will take care of you, someone you can always rely on. Dream on. If your name is not Cinderella or you are not friends with seven dwarfs who took care of you when you went to the woods, better stay out of the fairytales.

He is not your knight in shining armour.

Look around, do you see dragons? Yeah, you live in a planet called Earth where your fairy godmother stopped existing when you were seven. Give up the fairytales. In those stories, you can hardly remember the name of the prince, and they are always called knights in shining armour, ever wondered why? Because there, it does not really matter who the person is as long as he plays the role. You made this pictire of you with someone and at the time you made it, that someone is faceless. You kept it in your treasure box, waiting, hoping and praying that the guy beside you in the picture will be give a face. The danger in what you did Lisa is that anyone could be the face of the guy beside you and it wouldn’t make any differnce. Anyone would do.

You don’t deserve him.

You don’t deserve an empty armour just waiting to have an occupant. You don’t deserve someone whose main qualification is that he is available and willing to play the role. You don’t hire the first person that signs up, Lisa. You deserve someone who will define the role. It’s not fair to him you are in love with the idea of having a partner and not with him. There’s a big difference between the two, Lisa. If you are in love withh the idea, with the role, anyone is good enough. It’s not fair to you, too. You owe it to yourself to choose someone that is deserving of your love. The person you are with tells more about yourself than anything else. If love is the greatest thing you could offer to someone, the person to whom you will offer it to will definitely tell a lot about who you are. If this is the most valuable thing that you have, give it to someone worth valuing. The ones you value reflect how you value yourself; don’t stop down Lisa for you will lose something more than your heart when you do, your self-respect. Stop thinking that you should lower your standards so you could be with someone, that ain’t right Lisa. If you will keep on lowering your standards, someday you will lose it and you won’t even notice. And on that day you will have becpme the worst that you could be – a mediocre.

It’s not him, it’s you.

The world will always have Zachs and the blame is on the people who think that someone better does not exist and they lower their standards to become Zachs. If you do this now, Lisa, if you settle for someone who just happened to be there, you will be a Zach, and at the very moment you decided to give up on your standards, you have become deserving of a Zach because you have become one of them.

________________________________________________________________________________________________

Javierose is someone fortunate enough to know how to love and be loved – the way she understands it. If someday she finds that everything she knows about love is wrong, the bliss that it has given her would still be well worth it. And because she is in love, she hopes to be forgiven for mentioning this here: thank you, CL.

________________________________________________________________________________________________

from Wagas (and other tales, talks and takes on love.), pp. 57-59, eds: Bernardo N. Castillo, Jr. and Liway Czarina S. Ruizo