Parole 2017

Salamat, Portia Sorority, sa muling pagsama ng entries ko sa inyong Literary Folio. ^_^

 

Kung gusto niyong makita ang iba pang larawan at katha, may online version po ang Parole 2017. Sana next time makapagpasa na ulit ako ng tula.

 

Advertisements

Bakawan

Noong 30th Anniversary celebration ng Institute of Biology, nagpa photo contest sila na may theme na CONVERGENCE. At dahil feeling photographer ako, sumali ako.

Ang larawang nasa ibaba ay kuha noong isang ecology field work sa Calatagan, Batangas. Iyan ang napili kong isali sa contest. Paborito ko kasi ang sunset sa Calatagan kaya naman kahit nahirapan ako eh naipilit ko pa ring ipasok sa theme ng contest. Basahin sa baba ang sinubmit kong required caption. Mga isang oras ko yatang ginawa yan. ^_^

IMG_0816

“Mangroves are salt-tolerant trees commonly found in estuaries where the freshwater from river flows to meet the sea. They are part of a very important ecosystem that links the terrestrial and marine environments. Fallen mangrove leaves and branches form detritus that releases nutrients to the water, supplying food source to many marine organisms. Mangrove ecosystem is a home to a wide variety of fauna such as crabs, shrimps, molluscs, reptiles and birds and its complex root systems serves as nurseries to juvenile reef fishes. Mangroves also has the ability to trap sediments thereby protecting coral reef systems and sea grass meadows, and stabilizing coastlines.”

So after ng paghuhusga, nanalo ang larawang ito ng 2nd Place sa IB 30th Anniversary Photo Contest. Ito yata ang unang pagkakataon na manalo ako sa isang photo contest. At dahil dyan, lalong lumala ang pagfifeeling photographer ko. HAHAHAHA!

Love at the Battery Grubbs

isang weekend nung May 2012 nang bigla naming naisipan na mamasyal sa Corregidor. as usual, sobrang dami naming pictures nung weekend na yun. pero may isang picture na naging favorite ko.. hindi masyadong mataas ang resolution. medyo blurred din na feeling ko kasama sa dramatic effect. haha! no filters at walang post processing kasi di naman ako magaling mag edit ng pics :p

battery grubbs

sa sobrang paborito ko ang picture na ito, ginamit ko na din siya sa B&W Challenge dati (Instagram eh, sorry low res!). at sa sobrang kapal ng mukha ko, sinubmit ko din siya sa call for entries ng Gunita, ang literary folio ng Portia Sorority. swerte naman at napili siya maging part ng printed copy. maaari niyo ring makita ang larawang ito (kasama ang iba pang piling mga larawan, tula at maikling kwento na isinubmit) sa online version ng Gunita.

featuring 2 of my good friends (hi Fred! hi Berna!) na loveteam nung highschool, magkasukob sa payong habang tinatanaw ang paglubog ng araw sa battery grubbs. wala yata akong payong at malakas na ang ulan kaya ginive up ko ang chance na magpicture ng sunset. okay lang naman dahil nacapture ko ang moment na ito..